Pahayag ni Chief Justice Sereno ukol sa deklarasyon ng Martial Law, premature ayon kay Justice Sec. Aguirre

0
sereno1

Premature pa ang pagbibigay ng matapang na reaksyon ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa idineklarang batas militar ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, posibleng kwestiyunin sa Korte Suprema ang proklamasyon ng Martial Law.

Pero dahil sa naging commencement speech ni Sereno na pinapatamaan ang Martial Law , lumalabas na tila mayroon na itong prejudgement sa isyu.

Sa kanyang talumpati sa mga nagsipagtapos sa Ateneo De Manila Loyola Schools, sinabi ni Sereno na dapat silang lumaban at kumilos para matiyak na hindi na mauulit ang pangaabuso sa batas militar ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ulat ni: Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *