Pangulong Duterte balik Pilipinas na mula Russia
Nakabalik na sa bansa si Pangulong Duterte matapos magdesisyon na paikliin ang pagbisita sa Russia dahil sa pag-igting ng sitwasyon sa Marawi City.
Sa kanyang arrival speech, ibinahagi rin ng Pangulo ang resulta ng naputol niyang pagbisita sa Russia matapos siyang magdeklara ng Martial Law sa Mindanao.
Ipinaliwanag din ng Pangulo ang rason niya kung bakit hindi lamang sa Marawi City nagdeklara ng Martial Law.
Ayon sa Pangulo, kailangang maagapan ang posibleng panggugulo ng Maute Group at ISIS sa buong Mindanao.
Muli naming binantaan ng Pangulo ang mga may pakana ng gulo sa Marawi na magiging marahas siya sa pagpaparusasa mga ito.
