Pangulong Duterte handang sundin ang proseso ng saligang batas sa pagdedeklara ng Martial Law sa buong Mindanao

0
DUTER

Handa si Pangulong Duterte na sundin ang proseso ng Saligang Batas hinggil sa pagdedeklara ng Martial Law sa buong Mindanao.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo magrereport ang Pangulo sa kongreso sa loob ng 48 oras matapos ideklara ang Martial Law personal o sa pamamagitan ng sulat.

Ayon kay Panelo nasa pagpapasya ng Kongreso kung kakatigan ang proklamasyon ng Martial Law sa Mindanao.

Inihayag ni Panelo nasa desisyon din ng Kongreso kung puputulin na ang Martial Law o palalawigin pa ng higit sa 60 araw.

 Ulat ni : Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *