Pangulong Duterte nagpaabot na ng pakikiramay sa mga biktima ng Manchester bombing sa United Kingdom

0
manchester

Nagpaabot ng kanyang pakikidalamhati si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan sa insidente ng pagsabog sa Manchester.

Sa mensahe ng Pangulo sa pamamagitan ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ipinaabot ng Chief Executive ang pakikiramay sa mga pamilya ng naging biktima ng malagim na insidente.

Nagpahayag din ang Pangulo ng pakikiisa sa United Kingdom sa ginagawa nitong pagtugon sa pangyayari at paglaban sa terorismo.

 Batay sa report mahigit sa 20 na ang naitalang namatay habang hindi rin bababa sa 60 ang nasugatan kaugnay ng Manchester tragedy.

“Philippine President Rodrigo R. Duterte sends his deepest sympathies and concern to the families of the dead and wounded in the Manchester incident; as well as appreciation for the excellent handling by police/security forces.We are in solidarity with the United Kingdom in addressing and combating violent extremism”. – Abella

Ulat ni: Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *