Pangulong Duterte umalis na para sa apat na araw na official visit sa Russia
Tiniyak ni Pangulong Duterte na isusulong niya ang interes ng Pilipinas sa apat na araw na official visit sa Russia.
Sinabi ng Pangulo na maraming oportunidad na maaring makuha ang Pilipinas sa Russia kaya hindi niya ito sasayangin.
Magkakaroon ng serye ng bilateral meeting ang Pangulong kina Russian President Vladimir Putin at Prime Minister Demetry Medvedev na may kaugnayan sa economic security issue.
Gagawaran din si Pangulong Duterte ng Honoray Doctorate Degree sa Moscow Institute of International Relations Study.
Ipinagmalaki rin ng Pangulo na ang suot niya at ng kanyang deligasyon ay pawang mga gawang Pinoy na kanyang ipro-promote sa Russia.
Ulat ni: Vic Somintac