Pilipinas wagi ng ‘Island Charm’ award sa Beijing dive expo

Photo courtesy of Philippine Embassy to China (PNA)
Napalakas ng pilipinas ang kaniyang standing bilang isa sa pangunahing global diving hub, makaraang mapanalunan ang Island Charm Award, na kumikilala sa kakaibang bighani ng bansa sa mga turista.
Ginanap ito sa Diving Resort and Travel (DRT) Expo sa Beijing, mula Aug. 8 hanggang 10.
Sa pangunguna ng Department of Tourism – Beijing at ng Tourism Promotions Board, ipinakita ng bansa ang kaniyang world-class marine attractions sa China National Convention Center, kabilang na yaong mula sa umuusbong pa lamang na dive sites sa Romblon, Ticao Island (Masbate), at Camiguin.
Nakuha ng Pilipinas ang best diving destination award sa ginanap na DRT expo noong isang taon na ginanap din sa Beijing.
Ang DRT Expo ang pinakamalaking international dive exhibition sa Asya, at isinasagawa ito bawat taon sa pangunahing mga siyudad kabilang ang Hong Kong, Shanghai at Taipei. Ang Maynila naman ang nakatakdang maging host ng susunod na DRT Expo, na idaraos sa Setyembre