Presyo ng karneng baboy, tumaas – Sec Piñol

0
baboy sa

Kumpirmadong tumaas ang presyo ng karneng baboy bunsod ng manipis na suplay sa lokal at pandaigdigang pamilihan.

Ayon kay Department of Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, malaki ang nabawas sa suplay mula sa ibayong dagat makaraang mag-angkat ang Tsina na nakaranas ng problema sa kanilang produksyon.

Libu-libong biik din ang namatay dahil sa Porcine Epidemic Diarrhea Virus kaya’t naging limitado ang nabibili mula sa mga lokal na hog raiser.

Bunsod ng mga nabanggit na sitwasyon, sinabi niPiñol na pinayagan na ng gobyerno ang pribadong sektor na mag-angkat ng pitong milyong kilo ng karneng baboy hanggang Setyembre.

Nakiusap din ang kalihim sa mga nag-aalaga ng baboy na iwasan munang katayin ang 90-kilong baboy at hintayin na bumigat pa ito ng hanggang 120 kilo.

Tiwala si Piñol na bababa rin ang presyo ng karne sa Hunyo dahil sa pagsisimula ng pagkatay sa mga malalaking baboy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *