Prince Harry ng Britanya dumalaw sa Ukraine

0

Photo courtesy: Reuters

Binisita ni prince Harry ng Britanya ang Ukraine, at dumating ito sa Kyiv, kasama ang isang team mula sa kaniyang Invictus Games Foundation upang ilatag ang kaniyang charity plan para tumulong sa rehabilitasyon ng mga sundalong sugatan.

Sa kaniyang pagbisita sa Kyiv memorial na para sa mga namatay an sundalong Ukrainian, ay nagpigil ang prinsipe na mapaluha.

Aniya, “You have no idea. When you’re standing at the front here you have no idea how… I don’t know how to describe it. It’s the most insanely sad yet beautiful thing. Because of the way that it’s been set out. You can feel the love and the attention and the care that has gone into every photo frame, every flag, every memento. It’s extraordinary. I have never experienced anything like that in my life.”

Dagdag pa niya, “It is the most insanely sad yet beautiful thing. It is so sad.”

Ito na ang ikalawang pagbisita ni Harry sa Ukraine ngayong taon, makaraang niyang bumisita sa isang center para sa  wounded military personnel sa Lviv noong Abril.

Si Prince Harry ay sampung taong nagsilbi sa British Army bago niya itinatag ang Invictus Games Foundation, isang charity na nagsasagawa ng international sporting event para sa mga tauhan ng militar na nasugatan habang nasa labanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *