Public satisfaction rating ng administrasyong Duterte, nananatiling “ very good “- SWS survey

Nananatiling “very good” ang public satisfaction rating ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa first quarter ng 2017, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ayon sa SWS, sa loob ng 1,200 adult respondents, 75 percent ang satisfied sa Duterte administration habang 9 percent ang dissatisfied at ang natitirang 16 percent ang undecided.
Nangangahulugan ito na mayroong net satisfaction rating na +66, mas mataas ng limang puntos kumpara sa fourth quarter 2016 SWS survey result na +61.
Ang latest SWS survey ay isinagawa noong Marso 25 hanggang 28 sa pamamagitan ng face-to-face interviews.
Nakasaad din sa nasabing survey na may +66 satisfaction rating and Duterte administration mula sa “masa” o ang Class D.
Mas mataas ito ng limang puntos kumpara sa December result na +61.