Publiko hindi dapat matakot sa Martial Law declaration ni Pang. Duterte sa Mindanao
Walang dapat ipangamba ang publiko matapos magdeklara ng Martial Law si Pangulong Duterte sa Mindanao.
Sa panayam ng Liwanagin Natin sinabi ni Atty. Mark Tolentino, nais lamang ng Pangulo na tiyakin ang kaligtasan ng publiko laban sa grupong naghahasik ng karahasan sa Mindanao.
Aniya ngayong idineklara ang batas militar sa Mindanao asahan na maraming tauhan ng Armed Forces of the Philippines ang nakakalat sa naturang Rehiyon.
Wala rin aniyang nilabag na batas ang Pangulo sa ginawa nitong hakbang at kung inihayag man ng Pangulo na magiging marahas siya ibig sabihin lamang nito ay bibigyan niya ng ngipin ang batas.
“Hindi nila tinake over ang ating government ang purpose lamang nila ay ang safety ng taumbayan kailangan nila i-assure . At ang pagdeklara ng ating Pangulo ng Martial Law ay para masuppress ang lawless violence when public safety requires. Yun naman talaga ang sinasabi ng ating saligang batas just relax we have to trust our President mahal tayo ng ating Pangulo”. – Atty. Tolentino
