Rule of law sinusuportahan ni PBBM, hindi makikialam sa impeachment ni VP Sara Duterte

Hindi makikialam si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagrespeto sa institutional processes at ng separation of powers.
Una nang ipinahayag ng pangulo ang personal niyang reserbasyon laban sa impeachment ni Duetrte, ngunit kinilala na hindi iyon saklaw ng executive mandate. Ito ang binigyang-diin ni Presidential Communications Office Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro, s isang news briefing.
Aniya, ang impeachment ng Vice President ay nasa mga kamay na ngayon ng legislative branch, at nirerespeto ni Pangulong Marcos ang papel ng prosecutors sa House of Representative, at ng mga Senador na magsisilbing mga hukom.
Nilinaw pa ni Castro na ang mga nakaraang pahayag ng Pangulo laban sa impeachment ay hindi dapat bigyang-kahulugan bilang pag-ayaw sa pananagutan, ngunit isang personal na kagustuhan.
Gayunman, hindi rin aniya ito nangangahulugan na tinatanggihan ng Pangulo ang constitutional process.
Dagdag pa nito, dapat gawin ng impeachment prosecutors at senator-judges ang kanilang trabaho alinsunod sa batas.