San Juan City Hall, sarado hanggang Abril 28 para sa disinfection

174149840_2927272504176788_4438818937128634322_n

Isinara muna ang San Juan City Hall para bigyang-daan ang disinfection at sanitation sa buong gusali.

Sa Public Advisory ng lunsod, epektibo ito simula kahapon, Abril 14 hanggang Abril 28.

Dahil dito, suspendido muna ang mga transakyon sa loob ng Pamahalaang Panglunsod.

Gayunman, tuloy pa rin ang pagbibigay-serbisyo sa mga may kinalaman sa pagtugon sa Covid-19.

Ken Mesina