Sen. Cayetano magiging tagapagtanggol pa rin ni Pang. Duterte kahit wala na sa Senado

0
alan1

Tiniyak ni Senador Alan Peter Cayetano na magiging tgapagtanggol pa rin sya ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit wala na sa Senado.

Ayon kay Cayetano, magsasalita pa rin siya kung kinakailangan pero hindi sa pamamagitan ng political manner sa halip ay gagamitan niya ito ng diplomatic language.

Bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs, sinabi ni Cayetano na ipagtatanggol niya ang Pangulo lalo na sa mga ibinabatong isyu ng paglabag sa karapatang pantao.

Si Cayetano ang isa sa mga delegasyon ng Pilipinas para ipagtanggol ang mga alegasyon ng human rights abuses sa UnitedNations Human Rights Council.

Pagtiyak ni Cayetano, handa siyang makipagtulungan sa kongreso para maprotektahan ang karapatan ng bawat Pilipino.

Ibabatay niya rin ang foreign policy directions sa nais ng Pangulo na pakikipagkaibigan sa lahat ng bansa sa halip na makipag giriian.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *