South Luzon Expressway-Alabang Northbound Exit, bukas na muli sa trapiko
Madadaanan na muli ng mga motorista ang South Luzon Expressway-Alabang Northbound Exit .
Ito ay matapos maibalik na sa maayos na posisyon ang bumagsak na tower ng National Grid Corporation.
Noong April 19, nasunog ang isang residential area malapit sa tower.
Umabot ang apoy sa tower ng NGCP na nagresulta naman ng pagbagsak nito at pagharang sa naturang kalsada.
Tumagal ng ilang linggo bago tuluyang nahila pataas ng mga trabahador ang bumagsak na tower.
