STAR tollway humihirit ng dagdag singil – TRB

0
startol

Humihingi ng dagdag singil na P1.36 kada kilometro sa toll ang operator ng Southern Tagalog Arterial Road o STAR Tollway.

Ayon sa Star Infrastructure Development Corp kailangan nilang magdagdag ng singil para mabawi ang ginastos sa karagdagang lane at pagpapa-aspalto ng malaking bahagi ng tollway.

Mula Sto. Tomas, Batangas hanggang sa dulong exit sa Balagtas, lalabas na aabutin ng P57.12 ang magiging dagdag singil sa kabuaang 42 kilometro ng expressway.

Paliwanag ng SIDC, inutang nila sa mga bangko ang 70 porsyento ng nagastos na P2.5 billion para sa pagsasaayos ng STAR Tollway kaya’t kailangan nilang maningil ng dagdag na toll.

Nilinaw din nila na provisional increase lang ito para mabawi ang gastos at hindi talaga pagtataas ng toll rate.

Ayon naman sa Toll Regulatory Board (TRB) pinag-aaralan pa nila ang hirit na dagdag singil.

Babala naman ng Provincial Bus Operators Association, kapag natuloy ang dagdag sa toll, maghahain din sila ng petisyon para sa dagdag pasahe para mabawi ang dagdag gastos.

Ayon pa sa grupo, posibleng tumaas din ang presyo ng mga produkto dahil sa mas mataas na transport cost. I

giniit din nila na wala naman silang nakikitang malaking pagbabago simula nang nagbukas ang STAR Tollway.

Binibigyan naman ng TRB ng 30 araw ang lahat ng kumokontra sa dagdag singil para magsumite ng position paper.

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *