Sunog sa Happyland sa Tundo naapula na

Courtesy: Manila DRRM Office FB
Tuluyan nang naapula kaninang pasado ala sais ng umaga, ang nangyaring sunog sa Barangay 105, Happyland sa Tundo, Maynila makaraang umabot sa Task Force Bravo.
Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), tinatayang 500 pamilya o isanglibong mga indibidwal ang naapektuhan ng sunog sa Building 7, Helping Compound, Road 10 sa Tondo, Maynila na nagsimula sa ikalawang palapag ng isang dalawang palapag na residential building na gawa sa light materials.
Bagama’t walang napaulat na namatay, sinabi ng ahensiya na may tatlong nasugatang indibidwal
Ayon sa BFP-NCR, ang unang alarma ay itinaas alas otso y medya Sabado ng gabi, at umabot sa Tak Force Bravo bandang alas-10:53 ng gabi.
Idineklara itong under control alas-2:46 ng Linggo ng madaling araw, at fire out ala-6:02 ng umaga.
Iniulat din ng ahensiya na nasa apat na mga gusali ang tinupok ng apoy at P1,500,000 ang halaga ng pinsala, Ptuloy din ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.