Suplay ng kuryente unti-unti nang bumabalik makaraan ang malawakang power outage sa Spain at Portugal

0
SPAIN BROWNOUT

People wait, at Joaquin Sorolla train station, after passengers were stranded during a power outage which hit large parts of Spain, in Valencia, Spain, April 28, 2025. REUTERS /Eva Manez

Nagsimula nang bumalik ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Iberian peninsula, pagkatapos ng malawakang power outage na nagpatigil sa malaking bahagi ng Spain at Portugal, naging sanhi ng grounding ng mga eroplano, nagpahinto sa public transport, at pumuwersa sa mga ospital na suspendihin ang kanilang routine operations.

Una rito ay nagdeklara ng isang national emergency ang Interior Ministry ng Spain, at nagdeploy ng tatlompung libong mga pulis sa buong bansa upang mapanatili ang kaayusan, habang nagsasagawa ng emergency cabinet meeting ang mga opisyal ng gobyerno ng dalawang bansa.

Hindi pa malinaw ang sanhi ng outage, ngunit tila itinuturo ng Portugal na sa Spain nagmula ang problema, habang itinuturo naman ng Spain ang isang break-up sa koneksiyon nito sa France.

Ayon kay Portuguese Prime Minister Luis Montenegro, “There was no indication a cyberattack had caused the blackout, which began around 1033 GMT.”

Gayunman, may kumalat na mga balita ng posibleng sabotahe, at kinausap ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez si NATO Secretary General Mark Rutte tungkol dito.

Sinabi ni Sanchez, na ang Spain ay nawalan ng 15GW ng electricity generation sa loob ng limang segundo, katumbas ng 60% of national demand. Inaalam na aniya ng technicians kung bakit ito nangyari, “This is something that has never happened before.”

Ayon naman kay Joao Conceicao, isang board member ng Portuguese grid operator na REN, “The company had not ruled out the possibility of a very large oscillation in electrical voltage, first in the Spanish system, which then spread to the Portuguese system.”

Dagdag pa niya, “There could be a thousand and one causes, it’s premature to assess the cause.”

Isinisi naman ng REE, ang grid operator ng Spain sa isang connection failure sa France, ang pagkakaroon ng isang “knock-on effect.”

Sinabi ni Eduardo Prieto, “The extent of the loss of power was beyond what European systems are designed to handle and caused a disconnection of the Spanish and French grids, which in turn led to the collapse of the Spanish electric system.”

Bago ito, ang ilang bahagi ng France ay dumanas din ng panandaliang pagkawala ng kuryente. Ayon sa RTE, ang French grid operator, kumilos na ito upang maragdagan ang kuryente sa ilang bahagi ng northern Spain, matapos tumama ang power outage.

Ayon sa national grid operator, Lunes naman ng hapon ay nagsimula nang bumalik ang kuryente sa Basque country at Barcelona areas, at sa ilang bahagi ng Madrid, Lunes ng gabi.

Sinabi ni Enagas na pinakilos niya ang emergency systems upang matugunan ang power demand habang may blackout, habang sinabi naman ni Prieto na aabutin ng ialng oras bago mapabalik sa normal ang mga sistema.

Sa isang video post sa X, sinabi ni Madrid Mayor Jose Luis Martinez-Almeida, “City street lighting had not been fully restored so I recommended people stay at home. It is essential that the emergency services can circulate.”

Unti-unti na ring bumalik ang kuryente sa iba’t ibang munisipalidad sa Portugal, Lunes ng gabi, gaya sa Lisbon city centre. Sinabi ng REN, grid operator, na 85 sa 89 na power substations ang gumagana na.

Ang nangyaring blackout ay nagkaroon ng malawakang epekto sa buong peninsula.

Ang mga ospital sa Madrid at Catalonia sa Spain ay nagsuspinde ng lahat nilang routine medical work, pero inasikaso pa rin ang mga pasyenteng kritikal, gamit ang backup generators. Ilang Spanish oil refineries ang nag-shut down, at ilang retailers ang nagsara.

Sinabi ng Portuguese police, na ang traffic lights ay naapektuhan sa buong bansa at ang metro rail ay nagsara sa Lisbon at Porto, habang kinansela rin ang biyare ng mga tren kapwa sa Spain at Portugal.

Ayon kay Sanchez, nitong Lunes ng gabi ay nasa 35,000 mga pasahero ang ni-rescue mula sa mga tren habang 11 tren naman ang na-stranded sa remote areas.

Sinuspinde rin ang laro sa Mdrid Open tennis tournament, habang iniulat ng Bank of Spain na gumagana naman ang electronic banking sa pamamagitan ng backup systems, bagama’t may ilang residente ang nag-ulat na nagblangko ang screen ng ATM.

Nagkaroon din ng traffic jams sa Madrid city centre nang hindi na gumawa ang traffic lights, at iniulat ng local readio na may mga taong na-trap sa metro cars at elevators.

Ang blackout ay sinamantala naman ng ilang mga mamamayan upang maghalf day sa trabaho, magtipon sa mga kalsada at mga plaza para sa “impromptu get-togethers,” o magluto ng pagkain gamit ang kandila sa kanilang tahanan.

Bumagsak ng 90% ang internet traffic sa Portugal at 80% sa Spain kumpara sa nagdaang linggo, ayon sa Cloudflare Radar, na nagmo-monitor ng global internet traffic.

Ang ganitong lawak ng power outages ay bihirang mangyari sa Europe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *