Trailer truck sa Malabon sumalpok sa mga poste ng ilaw matapos mawalan ng preno

0

Isang trailer truck na nawalan ng preno ang sumalpok sa mga poste ng ilaw sa  kahabaan ng Gov. Pascual St., sa Brgy. Potrero, Malabon.

Ayon sa driver ng truck napansin na lamang niya na nawalan na siya ng preno at namataang pababa na pala ang kalsadang tinatahak nito.

Kaya mabilis niyang ikinabig at ibinanga ang trak sa mga poste ng ilaw, na nagresulta sa pagkasira ng poste na bumagsak sa isang L300.

Wala namang napaulat na nasaktan sa insidente na nagdulot din ng pagbagal sa daloy ng trapiko sa lugar.

Mark Leo Pernia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *