Tuluyang pagpapasara sa Mighty Corporation, tinutulan ni Sec. Bello
Tutol si Labor Secretary Silvestre Bello III ang plano ng Bureau of Internal Revenue na tuluyang ipasara ang Mighty Corporation.
Sa panayam ng Saganang Mamamayan sinabi ni Bello na sa sandaling ipasara ang naturang kumpanya ng sigarilyo aabot sa halos 30 libong Pinoy ang mawawalan ng trabaho.
Aniya, hindi naman dapat humantong sa pagpapasara ng Mighty Corporation sa halip hayaan na lamang ang kumpanya na unti unting mabayaran ang kanilang liability na ₱9.5 million pesos sa BIR.
Una nang nagsampa ng ₱9.5-billion tax evasion case ang BIR laban sa Mighty Corporation sa DOJ.
