UK nagdisenyo ng glass bridge para sa memorial ni Queen Elizabeth II

0

A digital illustration showing a statue of Britain’s Queen Elizabeth II and Prince Philip, which will be located at the national memorial in St James’ Park in London / PHOTO: REUTERS

Itatampok sa isang alaala para parangalan ang yumaong si Queen Elizabeth II sa St James’ Park ng London, ang estatwa ng longest-reigning monarch na nakasakay sa kabayo, at isa pang estatwa na nakahawak siya sa braso ng asawang si prince philip, gayundin ang isang glass bridge.

Si Queen Elizabeth II ay namatay sa kaniyang kastilyo sa Scotland noong  Sept 8, 2022, pagkatapos ng mahigit sa pitong dekada sa trono. Siya ay 96 anyos nang mamatay, kung saan inabot ng kung ilang araw ang pagluluksa at nagkaroon din ng maraming tributes mula sa buong mundo.

Ang St James’s Park, na matatagpuan sa tapat ng Buckingham Palace, ay pinili bilang pinakamahusay na lugar para sa pagbibigay-pugay sa kaniyang pamumuno at gaya nang unang ini-anunsiyo noong June 24, ang parke ay isina-ayos at nilagyan ng dalawang bagong garden areas at dalawang bagong gate.

Pinili ng komite ang inilatag na plano ng Foster + Partners, isang kompanyang pinamumunuan ni Lord Norman Foster, isa sa pinaka-maimpluwensiyang arkitekto ng britanya, na kilala para sa Gherkin building sa financial district ng london at sa Reichstag dome sa Berlin.

Personal na naging kakilala ng 90-anyos na si Foster si Queen Elizabeth II, matapos siyang italaga ng reyna sa Order of Merit noong 1997, para sa kaniyang mga serbisyo sa arkitektura, at ang kaniya aniyang mga ideya ay gamitin ang lugar upang isalaysay ang legasiya at extraordinary story ng buhay ng reyna.

Ayon Foster, ang bagong glass bridge ay inspired ng tiara na isinuot ng reyna sa kanyang kasal, habang ang dalawang gate at dalawang hardin ay sumasalamin sa paraan ng pag-balanse ni Queen Elizabeth II sa  tradisyon at modernidad, public duty at private faith, at sa britanya at commonwealth.

Aniya, “It’s really creating something that is timeless, and reaches across all ages and interests and conveys the values of Her Majesty, which were a mixture of the formal and… delightful informality.”

Dagdag pa ni Foster, ang disenyo ay isasapinal sa April 2026, at ang memorial ay maaaring makumpleto isa o dalawang taon pagkatapos nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *