Philippine Consulate sa California, tiniyak ang legal at welfare assistance sa mga Pinoy na apektado ng crackdown ng US Immigration

Photo courtesy office of Sen Raffy Tulfo
Tiniyak ng Philippine Consulate sa California, na magbibigay sila ng legal at welfare assistance sa mga Pilipinong apektado ng crackdown ng US Immigration and Customs Enforcement, sa mga undocumanted workers at immigrants sa Amerika.

Photo courtesy office of Sen Raffy Tulfo
Ito ang inihayag ni Senador Raffy Tulfo matapos makipagpulong sa mga opisyal ng consulate office sa San Francisco, California kabilang sina Consul General Neil Frank Perez at Vice Concual Hannah Go.
Ayon sa opisyal, labingpitong Pinoy immigrants at workers ang na-detain pero lima sa kanila ang napalaya habang tatlo naman ang naipadeport pabalik ng Pilipinas.

Photo courtesy office of Sen Raffy Tulfo
Karamihan sa kanila ay dati nang may hatol pero may limampu’t limang Pinoy pa aniya ang nakakulong dahil naman sa kinakaharap na iba’t ibang kaso sa magkakahiwalay na estado.
Sa kabila nito, sinabi aniya ng mga opisyal na hindi naman nakababahala ang sitwasyon ng mga Pinoy sa naturang bansa.

Photo courtesy office of Sen Raffy Tulfo
Sakop ng consulate office ng San Francisco ang mga lugar sa Estados Unidos gaya ng Alaska, Colorado, Montana, Northern California, Nevada, Oregon, Utah at Washington.
Meanne Corvera