10,670 bagong kaso ng Covid-19, naitala ng DOH ngayong araw

Nakapagtala ng 10,670 bagong kaso ng Covid 19 ang Department of Health ngayong araw.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,643,494 ang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 118,203 ang aktibong kaso.

May 7,691 naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,486,059 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa Covid-19 dito sa bansa.

May 191 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 39,232 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: