Mahigit 10,000 bagong kaso ng Covid-19 sa bansa, naitala ng DOH

Umabot na sa 115,328 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 10,019 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 7,425 ang naitalang bagong gumaling.

May 109 namang naiulat na bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 38,937 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 2,632,881 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,478,616 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Ayon sa DOH, bukas maglalabas sila ng hiwalay na report hinggil sa karagdagang bilang pa ng mga nasawi dahil sa Covid-19.

Una rito, nagkaroon ng technical issue ang Covid Kaya system ng DOH.

Madz Moratillo

Please follow and like us: