11 hotel sa Pilipinas kasama na sa MICHELIN Guide Hotels List


Photo: DOT FB
Ikinagalak ng Department of Tourism (DOT) ang pagkakasama ng limang hotels sa Pilipinas, sa prestihiyosong MICHELIN Guide Hotels List, kaya ngayon ay 11 na ang kabuuang bilang ng properties na kinikilala nito.
Kabilang sa limang nabanggit ay ang Fairmont Makati, Manila Marriott Hotel at Newport World Resorts, Solaire Resort Entertainment City, Raffles Makati, at Shangri-La The Fort, Manila.
Ang pagkakasama ng mga DOT-accredited hotels na ito sa MICHELIN Guide ay hindi lamang nagpapatibay sa pagpoposisyon ng Pilipinas bilang isang destinasyon na mapagpipilian para sa world-class na hotel at mga karanasan sa turismo, kundi katibayan din ng “warmth” at pagiging hospitable ng mga Pilipino kung saan tayo nakilala, na nagsisilbing tanda ng tatak ng turismo ng bansa sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Ang lima ay kasama na nagyon ng anim na iba pang hotels na una nang kinilala ng MICHELIN Guide noong 2024, na kinabibilangan ng Admiral Hotel Manila – MGallery, Amanpulo, Crimson Resort and Spa Mactan, Hotel Okura Manila, Nay Palad Hideaway, at The Peninsula Manila.
Sa unang bahagi ng 2025, inanunsiyo ng MICHELIN Guide ang pagdating nito sa Pilipinas, na ang kauna-unahang edisyon ay inaasahang ilulunsad sa 2026.