11 opisyal at miyembro ng Drug enforcement Unit ng MPD-Barbosa Station sa Quiapo sinibak

Sibak sa pwesto at dinisarmahan ang 11 opisyal at miyembro ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police District – Barbosa Station sa Quiapo.

Kasunod ito ng post sa social media kung saan makikita ang ilang pulis na nakasibilyan na sinuyod ang isang barangay sa Tondo.

Batay sa post ng netizen na nag-upload ng CCTV, may 2 babae ang hinuli mula sa nasabing operasyon pero pinauwi rin umano ang dalawa matapos makapagbigay ng pera.

Ayon sa uploader, P 45 libong piso umano ang hiningi ng mga pulis.

Ayon kay MPD Spokesperson Major Phillipines, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon sa sinasabing alegasyon.

Pero kung mapapatunayan namang walang katotohanan ito, ibabalik din sa puwesto ang mga nasabing pulis.

Pinaalalahanan naman ang mga pulis na palaging sumunod sa kanilang rules on operation para iwas aberya sa pagsasagawa ng mga operasiyon.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *