12 Kabahayan nasunog sa San Andres Bukid, Maynila

Nasa higit 12 bahay ang tinupok ng apoy sa nangyaring sunog sa San Andres Bukid sa Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire, 5:36 kaninang umaga nagsimula ang bahay na umabot hanggang sa ikatlong alarma bago naideklarang fire out bandang 7:54 ng umaga.

Wala namang nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.

Patuloy ang imbestigasiyon ng BFP Manila para malaman ang pinagmulan ng sunog, pero sa kuwento na rin ng mga nasunugan, nagsimula ang sunog dahil sa napabayaang kandila.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *