15 milyong Pilipinong may kapansanan, muling kikilalanin kaugnay ng pagidirwang ng 39th Disability Prevention and Rehabilitation Week.

Ipinagdiriwang ngayong linggo ang 39th Disability Prevention and Rehabilitation Week sa pangunguna ng National Council on Disability Affairs  attached agency ng Department of Social Welfare and Development.

Naglalayon ang selebrasyon na bigyang pagpapahalaga at pagkilala ang may labing limang milyong  Pilipino na may kapansanan.

Tema ng pagdiriwang ay “ karapatan at pribilehiyo ng may kapansanan: isakatuparan at ipaglaban”.

Ayon kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo, ang  NDPR ay napakahalagang event  na dapat suportahan ng publiko, lalo na ang pamilya at mga kamag anak ng  Person’s With Disability o PWD’s.

Binigyang diin ni Taguiwalo na sila ang bulnerableng sektor na tunay  na nangangailangan ng kalinga at malasakit.

Mahalaga  na bigyan ng atensyon at suporta ang mga PWD  at tulungan sila sa kanilang pagsisikap na mahasa ang kanilang mga angking kakayahan.

Ito aniya ang mensahe ng NDPR week celebration.

Ibat’ibang aktibidad ang isinasagawa sa buong bansa na ang culminating activity ay  isang cultural presentation na pinamagatang “handog sayawan at kantahan” na katatampukan ng mga PWD’s ng bansa.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *