Pagkonsumo ng masustansya at sariwang pagkain, patuloy na ikinakampanya ng DOH

Patuloy na ipinapaalaala ng Department of Health sa publiko ang tema ng pagunita sa buwan ng nutrisyon  na  “healthy diet, gawing habit, for life”.

Sa pamamagitan naman ng National Nutrition Council hinikayat  ang food chains at manufacturers na gawing masustansiya at bawasan ang  preservatives ng kanilang mga produkto.

Ayon sa NNC, katuwang nila ang DOH sa pagtataguyod  ng pagkonsumo ng sariwang pagkain.

Binigyang diin din ng NNC ang halaga ng balanced diet.

Isang halimbawa nito ang pagha-handa ng “go, grow at glow” foods sa mga sambahayan.

 Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *