17 tripulanteng Pinoy na pinalaya ng Houthi rebels, nakauwi na ng bansa

0
17 tripulanteng Pinoy na pinalaya ng Houthi rebels, nakauwi na ng bansa

Courtesy: OWWA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pinakawalan na ng Houthi rebels ang 17 tripulanteng Pinoy at iba pang crew ng M/V Galaxy Leader na mahigit isang taon binihag sa Yemen.

Ayon sa DFA, ikinagagalak at ikinatutuwa nito ang ligtas na pagpapalaya sa mga Pinoy.

Courtesy: OWWA

Hindi anila ito naging posible kung wala ang suporta at mediation efforts ng Sultanate of Oman.

Inihayag ng DFA na ang tagumpay na ito ay patunay na sa kabila ng mga hamon ay gumagana ang tahimik na diplomasya.

Pasado alas nueve kagabi nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, ang Oman flight 843 lulan ang 17 Pinoy seafarers.

Courtesy: OWWA

Samantala, sinabi ni Philippine Ambassador to Oman Raul Hernandez, na ang pagpapalaya ng Houthi rebels sa 17 tripulanteng Pinoy na 14 na buwan nilang binihag, ay nangyari matapos i-anunsiyo ang Israel-Hamas ceasefire.

Pinalaya ng Houthis ang mga Pinoy kasama ng walong iba pang mga dayuhan, noong Jan. 22 bilang suporta sa ceasefire agreement sa Gaza.

Makaraang ilipat sa Oman ang mga ito, ay agad na kinuha ng Philippine Embassy, upang isailalim sa medical check-up.

Matatandaan na ang Bahamas-flagges cargo vessel ay naglalayag mula Turkey at patungo sanang India, nang bihagin ito ng Houthi fighters noong Nov. 19, 2023.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *