Exclusive travel discounts at tour packages, iaalok sa Travel Tour Expo 2025

Nakakasa na ang ika-32 Travel Tour Expo ng Philippine Travel Tour Agencies Association (PTAA).
Ayon kay PTAA President Evangeline Tankiang- Manotok, gaganapin ang Travel Tour Expo 2025 sa Pebrero 7 hanggang 9 sa Pasay City.
Lalahok aniya sa expo ang 300 exhibitors at inaasahang dadaluhan ng 100,000 kataon.

Sinabi ni Manotok na magandang oportunidad ang expo para makakuha ang mga nagbabalak na magbakasyon sa lokal na destinasyon o sa ibang bansa, ng mga eksklusibong travel deals at packages depende sa kanilang budget at makakuha ng expert travel advice mula sa mga professional travel agencies.
Ayon kay Manotok, “Alam nyo revenge travel is still real so I would suggest that to plan ahead and be able to get the best deals and the place to be, is the PTAA’s 32nd Travel Tour Expo the biggest and the best in the Philippines.”
Moira Encina-Cruz