20 anyos na lalaki sa Sta. Maria, Laguna, patay matapos pagbabarilin

Patay ang isang 20-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng isang hindi pa nakilalang salarin sa Barangay Pook, Sta. Maria, Laguna.

Nakilala ang biktima na si Joveno Andal Saez, may-asawa, tubong Sariaya, Quezon at residente ng Sitio Luya, Barangay Coralan, Sta. Maria, Laguna.

Batay sa inisyal na ulat ng Sta. Maria PNP, nangyari ang pamamaril habang naglalakad ang biktima sa Brgy. Pook at bigla na lamang siyang binaril ng suspek.

Nakuha pang makatakbo ng biktima upang humingi ng tulong ngunit muli siyang pinagbabaril ng suspek.

Nagpapatuloy pa sa pagtugis ang pulisya sa suspek at imbestigasyon naman sa sanhi ng pamamaril.

Edna Mayores, EBC Correspondent

Please follow and like us: