20% discount sa pasahe ng mga estudyante magagamit na kahit nakabakasyon
Makakatanggap ng 20% discount sa pasahe ang mga estudyante kahit araw ng Sabado, Linggo, summer break at holiday.
Ito ay batay sa inilabas na memorandum circular no. 2017-024 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan mahahanay na rin ang diskwento sa pamasahe ng mga estudyante sa lahat ng antas sa mga senior citizen at persons with disabilities (PWD) na hindi limitado sa kahit anong araw.
Gayunpaman, base sa nilagdaang memo, hindi makaka-avail ang mga estudyante na nasa post-graduate studies gaya ng mga kumukuha ng medisina, law, at mga doctoral degrees.
Ang nasabing discount ay magiging epektibo matapos ang 15 araw ng pagkakalabas nito sa mga pahayagan.