2019 elections, pinaghahandaan na ng PDP-Laban

Pinangunahan ni Senate President Aquilino “koko”  Pimentel Jr. ang mass oathtaking ng mga bagong miyembro ng PDP-Laban kabilang na ang mag-amang sina dating COMELEC Chairman Benjamin Abalos at anak na si dating Mandaluyong City  Mayor Benhur Abalos.

Kinumpirma rin  ni Pimentel na halos triple na ngayon ang bilang ng mga miyembro ng PDP-Laban.

Hindi lang aniya ang Federalismo ang pinaghahandaan ngayon ng partido kundi ang magiging Senatorial slate ng Partido sa 2019.

 “Kailangan tayo all hands on deck, naghahanda na tayo di lang sa federalism pero sa party slate for 2019, di tayo sumasama dahil sa personalities, sumasama tayo sa ideology kahit iwan tayo what do we produce? The pres of the phils”. –SP Pimentel

Bukod sa liderato ng PDP-Laban, dumalo rin sa kanilang anibersaryo sina Senador Manny Pacquiao at ilang miyembro ng gabinete ng Pangulo.

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *