219 bar examinees na nagpositibo sa COVID ‘di nakakuha ng pagsusulit

Kabuuang 219 bar examinees ang hindi nakakuha ng bar examinations dahil sa nagpositibo sa COVID-19.
Batay ang bilang sa Supreme Court- administered antigen testing at sa examinees na ipinabatid sa Korte Suprema ang positive result mula sa DOH-accredited testing facilities.
Pinayuhan ni Bar Chair at SC Justice Marvic Leonen ang mga nasabing examinees na huwag mawalan ng pag-asa.
Aniya darating din ang panahon ng mga ito na makakuha ng bar exams.
Samantala, binati ni Leonen ang mga bar takers na matagumpay na nakatapos sa eksaminasyon.
Moira Encina