DOH nakapagtala ng 8,361 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang Department of health ng 8,361 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw .

Dahil rito, ayon sa DOH, umabot na sa 3,609,568 ang kabuuang bilang ng kaso ng Covid 19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng Covid 19 sa bansa ngayon, nasa 126,227.

May 18,431 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 3,428,815 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 312 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 54,526 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong Pebrero 4, at 2 naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID 19 Repository System.

Please follow and like us: