26 patay, 46 nawawala sa pananalasa ng bagyong Urduja

Umakyat na sa dalawamput anim ang kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng bagyong urduja sa visayas region.

Sa opisyal na talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, 18 sa mga namatay ay mula sa probinsya ng Biliran kung saan may naganap na landslide.

2 naman ang naitala sa Biliran, 1 sa Eastern Visayas habang 5 naman mula sa Leyte.

Patuloy namang hinahap ang 46 pang nawawala.

Nakapagtala rin ang ahensya ng 34 na nasugatan kung saan 26 ang naitala sa Tacloban, 5 sa Leyte at 3 sa Samar.

Sa tala ng Department of Social Welfare and Development o DSWD, nanantili pa rin sa evacuation center ang nasa 44, 369 na pamilya sa 208 evacutaion center sa Bicol region,Western Visayas, Eastern Visayas, Mimaropa at Caraga region.

Nakapagtala na rin ang NDRRMC ng halos isangdaan at limampung bahay na nasira kung saan 48 totally damage habang
101 partially damage.

Nananatili naman stranded sa mga pantala ang nasa 2,900 na pasahero na ang karamihan ay nasa port of manila.

Sa ngayon aabot na sa 37,614,000 worth of packs amg naipamahagi na ng dswd sa mga naapektuhan ng bagyong urduja.

Samantala, kinondena naman ng NDRRMC ang ginawang pag ambush ng mga teroristang grupong npa sa mga sundalo na magbibigay sana ng tulong sa naapektuhan ng bagyo sa Catubig, Northern Samar.

Ulat ni Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *