Mga tinamaan ng Bagyong Urduja sa Biliran, bibisitahin ni Pangulong Duterte

Personal na pupuntahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biktima ng bagyong Urduja sa lalawigan ng Biliran.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na magdadala rin si Pangulong Duterte ng tulong sa mga residenteng tinamaan ng kalamidad.

Ayon kay Roque nais ng pangulo na malaman ang kalagayan ng mga naninirahan sa Biliran na matinding tinamaan ng bagyong Urduja na nagdulot ng bagbaha at mga landslides.

Inihayag ni Roque na hinihintay ng pangulo ang kabuoang assessment ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC kung ilan at magkano ang total damage na iniwan ng bagyong Urduja.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *