30 mga bahay sa Navotas city, nasunog

Tinupok ng apoy ang mga bahay sa Litiangco street, Brgy. North bay Boulevard South (NBBN), Navotas kaninang umaga.

Bago mag-alas-4:00 ng umaga ng magsimula ang sunog at agad itong inaakat sa ikalimang alarma dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.

Gawa kasi sa light materials halos lahat ng bahay.

Mag-a-alas-6:00 na ng umaga ng maapula ang sunog.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), aabot sa 30 bahay ang nasunog at aabot sa higit 2,000 piso ang napinsala.

Tinatayang nasa 60 pamilya ang naapektuhan ng sunog na pansamantala ng tumutuloy sa itinalagang evacuation center sa lugar.

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *