3,410 bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong Linggo

Nakapagtala ang Department of Health ng 3,410 karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Dahil dito, pumalo na sa 2,787,276 ang kabuuang kaso ng virus infection sa bansa na may 45,233 active cases.

May naitala rin ang DOH ng karagdagang 5,825 na gumaling kaya umabot na sa 2,698,871 ang kabuuang nakarekober.

Habang nakapagtala rin ng bagong 128 na pumanaw kaya umabot na sa 43,172 ang kabuuang pumanaw sa bansa dahil sa Covid-19.

Please follow and like us: