37 mga bangkay natagpuan sa 2nd at 3rd floor ng Resorts World Manila

Kinumpirma ni National Capital Region Police office o NCRPO Director Oscar Albayalde na aabot sa 37 mga bangkay ang kanilang natagpuan sa loob ng Resorts World Manila matapos ang pamamaril at panununog ng isang gunman.
Ayon kay Albayalde, nakita ang mga bangkay sa second at third floor ng gusali.
Paliwanag ng opisyal, karamihan sa mga namatay ay biktima ng suffocation.
Umakyat na rin ang bilang ng mga sugatan sa 54 na nagtamo ng mga minor injuries at ang iba naman ay nabalian dahil sa stampede.
Patuloy pa ring inaalam ang pagkakakilanlan sa mga sugatan maging ang identity ng mga namatay.
Pinabulaanan naman ni Albayalde ang mga lumalabas na ulat na may kasama ang gunman nang umatake ito sa nasabing gusali.
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *