Department of Education, all-set na sa pagbubukas ng klase sa Lunes

Handang-handa na ang Department of Education o DepEd sa anumang magiging aberya sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo 5.

Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni DepEd Undersecretary Jess Mateo, wala ng atrasan sa pagbubukas ng klase maliban na lamang sa Marawi City at ilang lugar sa Lanao na pinostpone muna ang class opening sa Lunes.

Inaasahan nila na aabot sa 22.8 milyong mga mag-aaral mula sa Public School ang papasok sa buong bansa sa Lunes.

Sinabi pa ng kalihim na nakikipag-uganayan na rin sila sa pambansang pulisya upang magbigay seguridad sa mga paaralan.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *