Latest song ni Sarah Geronimo na “Dulo”, nangunguna sa music charts

Nangunguna na rin sa mga hit chart ngayon ng bansa ang isa pang music video ng inalabas ng Popstar Queen na si Sarah Geronimo.

Sa music video na ito ni Sarah ay ipinakikita ang kaniyang naging journey sa mundo ng music industry. Mula nang manalo siya sa isa sa mga malalaking singing contest ng bansa, ang Star For A Night noong 2003.

Kitang kita rito ang pag-arangkada ng kaniyang career hanggang sa bansagan siyang Popstar Queen. Ilang mga pelikula at TV series na rin ang kaniyang nagawa at dahil sa lakas ng fanbase niya nagkaroon na din siya ng self-titled show sa isang network.

Naging coach sa isang singing reality show, nakapagrelease ng mahigit na 12 albums at ngayon ay inihahandog naman niya ang kaniyang latest album na “The Great Unknown” kasama ang carrier single nitong “Dulo”.

Please follow and like us: