Debut Album ni Chadleen, Lumabas na!

Maganda ang pagpasok ng taong ito kay Chadleen dahil bukod sa activities and shows niya bilang ambassadress ng Operation Smile Philippines ay lumabas na rin finally ang pinakahihintay niyang debut album.

Taong 2013 nang magwagi bilang Grand Champion si Chadleen sa kauna-unahang season ng Kanta Pilipinas. At pagkatapos noon, siya naging boses ng mga official soundtrack ng iba’t ibang Wattpad TV Series.

Mapapanuod na ang music video ng awiting “Sana Ikaw na nga” at maari nang i-request sa mga FM radio station.
Abangan din ang guesting ni Chadleen sa Eagle Rock and Rhythm segment ng Letters and Music sa Martes mula ala-una hanggang alas-dos ng hapon dito lamang sa NET 25.

Please follow and like us: