5,479 bagong mga kaso ng Covid-19, naitala ng DOH; 5,573 na mga bagong gumaling, naitala rin

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health ng 5,479 karagdagang kaso ng COVID-19.

Dahil dito, pumalo na sa 1,548,755 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

May naitala ring bagong 5,573 na mga bagong nakarekober kaya pumalona sa 1,467,269 ang kabuuang recovery cases ng bansa sa virus infection na may 54,262 aktibong kaso.

Samantala, mayroon ding naitalang bagong 93 na mga pumanaw kaya umakyat na sa 27,224 ang death toll ng bansa sa Covid-19.

Please follow and like us: