One strike policy sa BOC, ipatutupad ni Lapena

Buong higpit na ipapatupad ni bagong BOC Commissioner Isidro Lapena ang one strike policy sa mga Customs employee na mapapatunayang sangkot sa anumang anomalya.

Paraan na rin ito ng internal cleansing sa loob ng Adwana at asahan na rin ang mga pagbabagong gagawin sa mga susunod na araw.

Kaya nagpaalala ang opisyal sa mga kawani na huwag tatanggap ng anumang tara o suhol mula sa mga transaksyon maging sa mga taong gagamitin ang kanyang pangalan para sa anumang iligal na gawain.

Ilan pa sa mga repormang gagawin ni Lapena sa BOC ang automation ng transaction system para mawala ang bahid ng anomalya at smuggling.

Sa pamamagitan nito, mapapataas ang koleksyon ng ahensya.

Nanawagan din ito sa mga importer at broker na tumalima sa mga legal na proseso.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *