Pangulong Duterte nanghihinayang sa perang ginagastos sa giyera sa Marawi

Nagpahayag ng panghihinayang si Pangulong Rodrigo Duterte sa pondo ng pamahalaan na ginagamit sa giyera sa Marawi City laban sa mga teroristang Maute group.

Sinabi ng Pangulo sana ang perang ginugugol ng gobyerno sa giyera sa Marawi City ay nagamit na sana sa mga proyektong may kaugnayan sa pagpapaangat ng buhay at kabuhayan ng mga mamamayan.

Umaasa naman ang Pangulo na hindi na magtatagal at tuluyan ng mababawi sa kamay ng mga terorista ang buong Marawi.

Hindi naman sinabi ng Pangulo kung magkano na ang nagagastos ng pamahalaan sa military operations sa Marawi City sa loob ng mahigit tatlong buwang digmaan.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *