Bureau of Immigration naka-heightened alert para sa nalalapit na ASEAN Summit

Nagtaas na ng alerto ang Bureau of Immigration sa NAIA at iba pang port of entry sa bansa dahil sa nalalapit na ASEAN Leaders’ Summit sa Nobyembre.

Inatasan na ni Immigration Commissioner Jaime Morente si BI Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas na ilagay sa heightened alert ang mga kawani ng BI para mapigilan ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhang terorista.

​Nakikipag-ugnayan na rin anya ang BI sa iba pang mga law enforcement at intelligence agency ng pamahalaan at sa kanilang counterpart sa ibang bansa para tiyaking magiging mapayapa ang ASEAN Summit.

Kaugnay nito, pinahihigpitan ni Mariñas sa mga immigration officer ang pagproseso ng mga dumarating at papaalis na pasahero sa bansa, kabilang na ang mga bibiyahe sa special at chartered flight.

​Pinatitiyak din ng opisyal sa BI border control and intelligence unit na lahat ng mga pasahero ay daraan sa inspeksyon ng BI.

Kinakailangan isailalim sa ikalawang inspeksyon ng BI travel control and enforcement unit ang mga kahina-hinalang pasahero.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *