8-hour “humanitarian pause”, ipinatupad ng military sa Marawi City

download
courtesy of wikipedia.org

Nagpatupad ng 8-hour “humanitarian pause” ang puwersa ng militar sa Marawi City.

Ito’y bilang pagrespeto at pakikiisa ng gobyerno sa mga Muslim na nagdiriwang ng Eid al-fitr o ang pagtatapos ng Ramadan.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang temporary halt ng mga militar sa Marawi ay tumagal lamang mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon ng linggo.

Ang nasabing “humanitarian pause” ay nakatulong upang makuha ang iba pang mga sibiliyan na naipit sa nagaganap na bakbakan sa Marawi City.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *