Tigil-putukan sinamantala ng crisis management committee para i-rescue ang mga sibilyang naiipit sa Marawi City

download
courtesy of wikipedia.org

Sinamantala naman ng crisis management committee ang ilang oras na tigil-putukan para makuha ang mga sibilyang patuloy na naiipit sa Marawi City.

Sinabi ni Office of the  Presidential Adviser on the Peace Process Asst. Secretary Dickson Hermoso, kasama sa mga nailigtas ang mga bata, matatanda at mga sugatang residente na hindi makaalis sa lugar ng bakbakan.

Hinati aniya sa limang grupo ang volunteer rescue teams para makuha ang mga natitira pang sibilyan sa Marawi City.

Kasama rin ang cadaver retrieval team sa mga pumasok sa ground zero para kunin ang mga biktimang nadamay sa bakbakan.

Sinabi ni Hermoso na umaasa silang matatapos na ang krisis sa Marawi City para makapagsimula nang muli ang mga sibilyan sa kanilang normal na pamumuhay.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *