Covid cases sa bansa , umabot na sa 342,816

Umakyat na sa 342,816 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases ang naitala sa bansa.

Ayon sa Department of Health o DOH sa naturang bilang ay 43,332 ang active cases.

Ang 83. 9% naman dito ay mild cases, 10. 8% ay asymptomatic, 3.6% ay critical, 1.7% ay severe.

Ngayong araw nakapagtala ang DOH ng 3,564 bagong kaso ng virus infection.

Kabilang sa mga nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ang National Capital Region na may 1,344 new cases, Cavite na may 215 new cases, Laguna na may 212 new cases, Rizal na may 211 new cases at Iloilo na may 164 new cases.

May naitala namang 150 na bagong gumaling mula sa covid 19.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 293,152 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 11 namang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID-19.

Ang 8 rito ay nasawi noong Oktubre, 2 noong Agosto, at 1 noong Hulyo.

Sa kabuuan ay pumalo na sa 6,332 na ang nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

May 89 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang na kanilang inireport kasunod ng nagpapatuloy na paglilinis at validation sa kanilang listahan.

Madz moratillo

Please follow and like us: